Ikinalungkot ng mga Hollywood actors ang pagpapakamatay ng isang 9 na taong batang lalaki matapos nitong makaranas ng bullying dahil sa kanyang pagiging miyembro ng lesbians, gays, bisexuals, trangenders, and queer (LGBTQ+) community.
August 23 nang magpakamatay si James Myles sa kanyang bahay sa Denver, Colorado.
Kwento ng ina ng bata, matapos aminin ng kanyang anak na siya ay miyembro ng LGBTQ+, pumapasok ito sa paaralan ng nakasuot ng mga dress dahil proud umano ito sa kanyang sarili. Ngunit binu-bully siya ng kanyang mga kaibigan na nag-udyok dito upang magpakamatay.
Ayon sa Tweet ni Ellen Page na isang gay rights advocate, nadurog ang kanyang puso dahil sa nangyari.
Aniya, kailangang mabago ang at mapigilan ang homophobic bullying.
Tinawag naman ng singer-songwriter na si Kehlani ang bata bilang isang warrior. Hiling nito na laging ipagdiwang ang alaala ni James.
Hinimok naman ni Laverne Cox ang publiko na itigil na ang mga katulad na pangyayari. Aniya, dahil sa bullying culture ay nagpapakamatay ang mga kabataan.
Samantala, ayon naman kay Perez Hilton, mali na nagpapakamatay ang isang tao dahil lang ito ay na-bully dahil sa pagiging miyembro ng LGBTQ+ community.