Martial law extension sa Mindanao suportado ni GMA

Inquirer file photo

Kasunod ng pagpapasabog sa Sultan Kudarat nagpahayag ng pagsuporta si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa muling pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Speaker Arroyo, bilang dating presidente ay naiintindihan niya ang mga gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi nito na hindi na kailangan pa ng pangulo na may ibang tao pa ang magsabi sa kanya kung ano ang dapat nitong gawin.

Nauna nang sinabi sa isang ambush interview sa Kamara ni Executive Secretary Salvador Medialdea na opsyon ng Malacañang ang muling pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao dahil sa nangyari sa Sultan Kudarat.

Tatlo ang nasawi at mahigit tatlumpu ang nasugatan sa insidente na inako ng grupong ISIS.

Kahapon ay isinailalim na rin ng Philippine National Police sa full-alert status ang kanilang buong pwersa sa Mindanao.

Read more...