Itinanggi ng China ang mga bali-balitang mayroon silang planong magpadala ng mga sundalo sa Afghanistan.
Ayon kay Chinese Defense Ministry spokesman Colonel Wu Qian, walang katotohanan ang mga balitang inilabas ng ilang mga pahayagan na nakatakdang magtayo ng base ang kanilang mga sundalo sa eastern Afghanistan.
Ngunit ani Wu, katulad ng ibang mga bansa, ay tinutulungan nila ang Afhganistan na palakasin ang kanilang defense capabilities, parikular sa counterterrorism.
Aniya pa, mayroong normal na military at security cooperation ang dalawang mga bansa.
Nauna nang sinabi ng Afghanistan ambassador to China na si Janan Mosazai na tinutulungan ng Beijing ang Afghanistan na bumuo ng mountain brigade upang palakasin ang kanilang counterterrorism operations.
Paglilinaw din nito, walang Chinese troops na nasa loob ng kanilang bansa.