Mayor Sara Duterte iginiit na hindi tatakbo sa senatorial election

Iginiit ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbong Senador sa 2019 elections.

Sa kanyang talumpati sa 49th Mandaue City Charter Day Celbration, humingi ng suporta si Mayor Duterte sa publiko para sa kanyang 3 senatoriables. Ito ay sina dating Senador Jinggoy Estrada, Ilocos Norte Governor Imee Marcos at Davao City 1st District Representative Karlo Nograles.

Bagkus ay desidiso ang nakababatang Duterte sa reelection bilang alkalde ng Davao City sa susunod na halalan para umano matulungan ang marami pang lokal na pamahalaan.

Nagpasalamat din si Duterte sa mga taga Mandaue City sa kanilang suporta sa amang si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections.

Read more...