Niyanig ng magkahiwalay na lindol ang Surigao del Norte at Sarangani madaling araw ng Biyernes.
Unang naganap ang magnitude 3.0 na lindol sa Surigao del Norte ganap na ala-1:42 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 52 kilometro Hilagang-Silangan ng General Luna.
May lalim itong limang kilometro.
Samantala, alas-2:14 naman ng maitala ang magnitude 3.1 na lindol sa Sarangani.
Ang episentro ng lindol ay sa layong 41 kilometro Timog-Kanluran ng Maasim.
May lalim itong 178 kilometro.
Pawang tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahan ang mga pinsala sa ari-arian at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES