Batangas niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Batangas alas-11:48 Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 18 kilometro Timog-Kanluran ng Calatagan.

Una nang sinabi ng Phivolcs na magnitude 4.7 ang lakas ng lindol ngunit ibinaba rin sa magnitude 4.1.

May lalaim ang pagyanig na 91 kilometro at tectonic ang dahilan.

Samantala, hindi naman inaasahang makapagtatala ng pinsala sa ari-arian at aftershocks.

Read more...