WATCH: Martial law extension, maaga pa para pag-usapan — Senador Sotto

Premature o maaga pa para kay Senate President Tito Sotto na pag-usapan ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao ngunit naniniwala ito na malaking tulong ito sa isyu ng seguridad sa rehiyon.

Reaksyon ito ni Sotto kasunod ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat noong Lunes ng gabi na ikinamatay ng tatlong tao at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.

Banggit pa ng senador na wala pa rin nakakarating sa kanila na kumpirmadong kaso ng pang-aabuso na iniuugnay sa pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao.

Aniya, maganda kung maisasabatas na ang itinutulak na Human Security Act para labanan ang terorismo.

Read more...