Opisyal ng BJMP, live-in partner at 2 iba pa arestado sa ilegal na droga sa Cavite

Arestado ang isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos mahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga sa kaniyang bahay sa Tanza, Cavite.

Ang suspek ay kinilalang si Senior Jail Officer Melandro Lee na nakatalaga sa Tanza Municipal Jail.

Maliban kay Lee, dinakip din ang kaniyang kinakasama at dalawang iba pa na nadatnan ng mga otoridad sa bahay.

Ayon kay Chief Inspector Dhefry Punzalan ng Tanza police, may nag-report sa kanila hinggil sa pagkakasankot ni Lee sa ilegal na droga.

Nakuha mula kay Lee ang isang sachet ng hinihinalang shabu, mga pakete na may residue ng droga, mga drug paraphernalia, at isang kalibre .45 na baril.

Read more...