Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay para tuluyan nang mapakinabangan ng nga magsasaka ang bagong batas na nagbibigay ng libreng irgasyon sa mga magsasaka.
Paliwanag ni Roque, napapanahon ang pagbalangkas sa IRR lalo’t nakararanas ngayon ng problema sa suplay ng bigas ang bansa.
Sinabi pa ni Roque na malaking tulong ang libreng irgasyon dahil tiyak na mababawasan ang gastusin ng mga magsasaka.
Nabatid na noong Enero pa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas subalit hanggang ngayon ay hindi pa ito naipapatupad dahil sa kawalan ng IRR.