Non-wage benefits para sa mga manggagawa, ikinukonsidera ng DOLE

Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang posibilidad ng pagbibigay ng non-wage benefits sa mga manggagawa.

Ito ay bilang ayuda ng gobyerno sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo dahil sa inflation.

Sa isang panayam, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na ang grupo ni Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad ay nakatakdang magbigay ng mga rekomendasyon tungkol sa benepisyo para sa mga manggagawa ngunit ito anya ay ‘non-monetary’.

Hindi na nagbigay pa ng detalye ang kalihim tungkol sa nasabing plano.

Samantala, sinabi ng kalihim na wala pang aksyon ang Office of the President sa mungkahing P200 na cash subsidy para sa minimum wage earners.

Matatandaang iminungkahi ng DOLE ang naturang halaga para makatulong sa sa mga minimum wage earners sa epekto ng inflation.

Sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi nito na inaasahang magiging pinakamataas ang inflation sa third quarter ng 2018.

Read more...