Heart Evangelista hinimok ang lahat na mag-adopt ng aspin

Heart Evangelista Instagram

Inilunsad ng aktres at animal lover na si Heart Evangelista ang kanyang dog-friendly campaign na “Have a Heart for Aspins.”

Sa kanyang Instagram post kamakailan ay ibinahagi ni Heart ang kanyang campaign, na aniya ay bilang pag-alala sa kanyang aspin na si Panda.

Ang naturang campaign ni Heart ay partnership niya sa PAWS Philippines na isang non-government organization na layuning protektahan ang kapakanan ng mga hayop sa pamamagitan ng edukasyon, animal shelter, at advocacy.

Ayon sa aktres, lumaki siya nang napapaligiran ng mga aspin at personal niyang nakita kung gaano kaganda at gentle ang mga ito.

Aniya pa, katulad ng mga may lahing aso, ay kailangan din ng mga aspin ng pag-aaruga at pagmamahal.

Kwento ni Heart, ang kanyang aspin na si Panda ay kanyang in-adpot at hindi niya pinagsisihan ito.

Sa ngayon aniya ay mayroong 300 mga aspin na naghihintay para sa kanilang bagong tahanan sa PAWS Philippines.

Read more...