2 hanggang 3 bagyo, inaasahang papasok ng bansa sa Setyembre

Nasa dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa bansa para sa buwan ng Setyembre.

Ito ang sinabi ni PAGASA climatologist Ger Anne Marie Duran sa 105th Climate Outlook Forum ng PAGASA.

Malaki ang posibilidad na ang track ng mga naturang bagyo ay tatama o dadaan sa landmass ng Luzon.

Gayunman, posible rin anya na magrecurve o lumihis ang ilan sa mga bagyo ayon kay Duran.

Ang rainfall amount naman sa darating na buwan ay generally normal sa Luzon at Mindanao habang generally below normal sa Visayas.

Read more...