Bagong reklamo sa ICC laban sa pangulo hindi pinansin ng Malacañan

Naaliw ang Palasyo ng Malacañan sa panibagong reklamong crimes against humanity na isinampa ng pamilya ng umano’y biktima ng extrajudicial killings sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, tiyak naman kasi na walang patutunguhan ang kaso dahil sa una pa lamang hindi naging ganap na batas ang Rome Statute na nag-eestablish sa ICC dahil hindi naman nailathala sa Official Gazette.

Para umiral ang isang batas sa Pilipinas, kinakailangan na mailathala muna sa OG.

Ayon pa kay Panelo, masigasig ang mga kritiko ng pangulo na sirain ang kanyang imahe.

Kahit maging sunud-sunod pa aniya ang pagsasampa ng kaso sa ICC, hindi maikakaila na mataas pa rin ang bilang ng mga Pilipino na may tiwala sa pangulo.

Minaliit pa ni Panelo ang panibagong reklamo dahil hindi ito maituturing na complaint bagkus ay report lamang ito.

Read more...