Pinoy middleweight boxer tiyak na makapag-uuwi ng bronze medal

Sigurado nang madadagdagan ang bronze medal ng Pilipinas sa 2018 Asian Games.

Ito ay matapos talunin ni Eumir Marcial ang pambato ng Republic of Korea na si Kim Ninjea sa quarterfinals ng men’s middleweight division sa boxing event ng isinasagawang Asian Games.

Pare-parehong 30-27 ang score na ibinigay ng apat sa limang mga judges para kay Marcial, habang 30-25 naman ang ibinigay ng huling judge.

Sa ngayon ay naghahanda na para sa semifinals si Marcial.

Makakasama niya ang dalawa pang Pinoy boxers na maglalaro rin para sa semifinals. Ito ay sina Rogen Ladon sa flyweight division at Carlo Paalam para naman sa light flyweight division.

Read more...