Ito ang pag-amin ni Departmet of Trade and Industry Undersecretary Vic Dimagiba, na nasira umano ang mga flower farm sa Northern Luzon sa pagdaan ng bagyong Lando.
At dahil hindi basic commodities ang bulaklak, walang kontrol ang ang DTI sa presyo nito. Sa kabila nito, magandang balita naman umano dahil masbaba pa sa suggested retail price na inilibas ng DTI ang presyo ngayon ng kandila.
Ayon kay Dimagiba, dahil na rin sa daming brand ng kandila sa merkado, marami ngayong pagpipilian ang publiko.
Sa pag-iikot umano ni Dimagiba sa mga pamilihan, nasa P31 lang mabibili ang 20 pirasong regular unbranded na kandila, habang ang branded ay nasa P55.
Sa kanyang pagtataya, pumapatak na piso at 55 sentimo hanggang 2 peso at 75 sentimo kada piraso ng kandila.