Mga pulis QC, itinalaga sa mga bus terminals

araneta center 2Ininspeksyon ni Quezon City Police District Director C/Supt. Edgardo Tinio ang iba’t ibang bus terminal sa Lungsod ng Quezon.

Isa sa binisita ni Tinio ang Araneta Center Bus Terminal kung saan ayon sa kanya ito ay upang matiyak na nakakalat ang kanyang mga tauhan sa mga bus terminal.

Sinabi ng opisyal na masaya naman siya sa kanyang isinagawang inspeksyon dahil nakita niya ang pagtutulungan mg kanilang hanay at mga security personel ng mga terminal.

Ito rin anya ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero na sasakay ng mga bus patungo sa kanilang mga probinsya.

Samantala, ayon naman kay Police Supt. Marlou Martinez, inaasahan nila na mamayang hapon pa o gabi magsisimulang dumagsa ang mga pasaherong uuwi ng mga lalawigan.

 

 

 

Read more...