Aplikasyon at nominasyon para sa bakanteng posisyon sa SC bubuksan na ng JBC

Pupulungin ni Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo de Castro ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council o JBC.

Ito ay para mailatag ang mga hakbang kasunod ng nabakanteng posisyong ni De Castro sa Korte Suprema bilang associate justice.

Sa ilalim ng batas, ang chief justice ng Korte Suprema ay otomatikong ex-officio chairman ng JBC.

Sinabi naman ni DOJ secretary Menardo Guevarra na ex-officio member ng JBC, sa ngayon ay wala pang naka-schedule na pulong ang JBC.

Kauupo lang ni De Castro bilang chief justice na agad nag-preside sa en banc session Martes ng umaga at oral arguments naman Martes ng hapon.

Sa ngayon, dalawang posisyon pa bilang associate justice sa korte suprema ang bakante.

Ang isang bakanteng pwesto na iniwan ni dating justice at ngayo’y Ombusdsman Samuel Martirez ay may mga aplikante na.

Alas 4:30 ng hapon sa September 3 ang deadline ng JBC para tumanggap ng aplikasyon o nominasyon para sa nabakanteng pwesto ni Martires.

Read more...