Ayon sa USGS, naitala ang lindol sa 221 kilometers sa karagatan ng New Caledonia sa South Pacific sa Loyalty Islands.
Wala namang inilabas na tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center.
Samantala, ayon sa Phivolcs, naganap ang malakas na lindol alas 11:52 ng umaga oras sa Pilipinas.
Pinawi rin ng Phivolcs ang pangambang magdudulot ng tsunami ang nasabing lindol.
MOST READ
LATEST STORIES