Top 10 most wanted sa Pasig, arestado ng mga otoridad

EPD Photo

Naaresto ng mga otoridad ang number 10 most wanted sa lungsod na suspek sa kasong frustrated murder.

Ang suspek na si Carl Ryan Valencia alyas Cocoy, 20 anyos, ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Pasig City RT Branch 155.

Inaresto si Valencia ng mga tauhan ng Pasig City Police Station Warrant and Subpoena Section sa pamumuno ni Police Sr. Supt. Rizalito Gapas sa bahagi ng Asuncion Compound Barangay San Miguel.

Si Valencia ay wanted sa kasong frustraded homicide at ang arrest warrant laban sa kaniya ay lumabas noong buwan ng Hunyo.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Temporary Custodial Facility ng Pasig City Police habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.

Read more...