Pang-13 bronze medal sa Asian Games nasungkit ng pambato ng Pilipinas sa Pencak Silat

Nasungkit ng isa pang atleta ng Pilipinas ang panibagong bronze medal sa nagpapatuloy na 2018 Asian Games sa Indonesia.

Ayon sa Philippine Sports Commission, nagwagi si Almohaidib Abad ng bronze medal para sa Pencak Silat Men’s Singles.

Ito na ang ika-labingtatlong bronze medal para sa Pilipinas.

Sa ngayon 16 na ang medalya ng Pilipinas sa Asian Games kasama ang 3 gintong medalya.

Nasa pang-labingsiyam ang Pilipinas sa medal tally sa Asian Games.

Read more...