Humingi ng paumanhin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa publiko nang humarap ito sa pagdinig ng senado kaugnay sa naganap na aberya na kinasangkutan ng Xiamen Airlines noong August 16 sa NAIA.
Sa kaniyang opening statement, sinabi ni Tugade na humihingi siya ng paumanhin sa publiko sa nangyari.
Kabilang sa mga binanggit ni Tugade sa paghingi niya ng paumanhin ang mga pamilyang dapat sana ay magsasaya para sa bakasyon noong weekend na iyon at sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na na-stranded sa NAIA.
Maliban kay Tugate dumalo din sa pagdinig ang mga opisyal ng NAIA at MIAA.
Humarap din ang general manager ng Xiamen na si Lin Huagun at iba pang opisyal ng airline company.
READ NEXT
Matapos ang Sultan Kudarat bombing, martial law sa Mindanao posibleng palawigin – ES Medialdea
MOST READ
LATEST STORIES