Heightened alert itinaas sa Metro Manila kasunod ng pagsabog sa Sultan Kudarat

Red Cross Photo

Nagdeklara na ang Philippine National Police (PNP) ng full alert status sa Mindanao habang heightened alert naman sa Metro Manila matapos ang pagsabog sa Sultan Kudarat.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, epektibo ngayong Miyerkules ng umaga ang pagtataas ng alerto.

Sinabi ni Albayalde na sa ilalim ng full alert status, 100 porsyento dapat ang presensya ng mga pulis sa Mindanao. Kanselado din ang kanilang mga leave at day-off at magdaragdag ng checkpoints.

Tiniyak naman ni Albayalde na sapat ang mga tauhan ng PNP sa Mindanao katuwang ang Special Action Force ng Armed Forces of the Philippines.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng AFP at PNP sa nangyaring pagsabog.

Read more...