Bukod sa band-aid solution ayon kay Atienza isa ring miserable solution ang importasyon ng P1.4B halaga ng galunggong.
Sinabi ni Atienza na hindi ito magbibigay ng solusyon sa mahinang produksyon ng isda.
Hindi rin anya kayang tugunan ng 17,000 metric tons ng galunggong upang mapatatag ang presyo sa merkado.
Katumbas lamang anya ito ng para sa 17,000 pamilya na kumukunsumo ng tig isang kilong galunggong kada araw.
Ang dapat anyang gawin ng pamahalaan ay gumawa ng hakbang upang mapalakas ang produksyon ng isda at iba pang pagkain upang mapababa ng pangmatagalan ang presyo nito.
MOST READ
LATEST STORIES