Panukalang 100 days maternity leave lusot na sa 2nd reading sa kamara

INQUIRER File Photo

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng kamara ang House Bill 4113 o ang panukala para sa pagpapalawig ng maternity leave.

Sa ilalim ng panukala mula sa kasalukuyang 60 araw gagawing 100 araw ang maternity leave ng mga nanay na nagsilang.

60-araw naman na maternity leave ang ibibigay para sa mga nakunan o nakaranas ng miscarriage.

Ayon sa Gabriela Party list na pangunahing may akda ng Expanded Maternity Leave Bill sa kamara, mahalaga ang mas mahabang pahinga ng ina na bagong panganak.

Ito ay hindi lamang para sa lubos na pagbawi ng lakas ng katawan, kundi ang pagkakaroon ng sapat na panahon na makapag breastfeed at makasama ang kanilang sanggol.

Sakop ng Expanded Maternity Leave ang mga manggagawang babae sa private at public sector.

Read more...