Babae arestado sa pagbebenta ng shabu sa QC

QCPD Photo

Arestado ang isang babae sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng mga otoridad sa Aurora Blvd. kanto ng Benitez Street sa Cubao Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Michelle Diego alyas “Ate”, 35 anyos na nadakip sa buy-bust operation sa Brgy. San Martin De Pores.

Nakuha mula kay Diego limang maliliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Gayundi ang P500 na ginamit na buy-bust money

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa pagbebenta at pag-iingat ng bawal na gamot sa ilalim ng Article II ng RA 9165.

Read more...