Mula sa 64, death toll sa pananalasa ng Hurricane Maria sa Puerto Rico noong 2017, itinaas sa halos 3,000

AP Photo

Mula sa 64 ay itinaas ng pamahalaan ng Puerto Rico sa 2,975 ang death toll sa pananalasa ng Hurricane Maria noong nakaraang taon.

Ito ang lumitaw matapos ang ginawang pag-aaral ng pinangunahan ng mga eksperto mula sa Global Health sa George Washington University.

Ayon kay Carlos Santos-Burgoa, principal investigator, matapos ang mahabang panahon na pag-aaral lumabas sa kanilang epidemiological study na hindi 64 lang ang nasawi sa Hurricane Maria sa Puerto Rico kundi 2,975.

Ibinase ang report sa ginawang analysis sa death certificates at iba pang morality data mula September 2017 hanggang February 2018.

Pinanuna din ng grupong nagsagawa ng pag-aaral ang problema sa sistema na naging dahilan ng under-reporting sa bilang ng mga nasawi, kasama na ang kakulangan sa komunikasyon at poor training ng mga duktor sa pagbibigay sertipikasyon sa mga nasasawi kapag may kalamidad.

 

Read more...