Ayon sa Meralco, sa Maynila, mula 8:30 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon ang power interruption sa Sta Cruz partikular sa bahagi ng Rizal Avenue.
Sa Taguig naman, mula 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng mga Barangay Western Bicutan at Signal Village.
Sa Caloocan City, alas 11:00 din ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga bukas ang nakatakdang power interruption sa bahagi ng Llano Road at Silangan Subdivision.
Mawawalan din ng kuryente mula alas 10:00 ngayong umaga hanggang alas 3:00 ng hapon mamaya ang bahagi ng Barangay Pinugay sa bayan ng Baras sa lalawigan ng Rizal.
Habang sa Cavite, 9:30 ng umaga hanggang 2:30 ng hapon ang power interruption sa Carmona at apektado ang bahagi ng Barangay Mabuhay.