Lola patay matapos mabiktima ng hit-and-run sa Maynila

Inquirer file photo

Patay ang isang lola habang sugatan ang batang kasama nito makaraang mabiktima ng hit and run sa Padre Burgos Avenue sa Maynila.

Tumatawid ang lola kasama ang isang bata nang mabundol sila ng isang sasakyan na sa halip na huminto ay mabilis na tumakas.

Makalipas ang ilang minuto, nakita naman ng mga pulis ng Manila Police District ang sasakyan na nakaparada sa bahagi ng Escolta Street.

Ayon kay PO1 Victor Victor ng Gandara Police Community Precinct (PCP), yupi ang hood ng sasakyan at wala ang side mirror nito nang kanilang datnan.

Agad inaresto ang driver nito pero ayon sa kaniya, hindi siya ang nagmamaneho ng sasakyan nang mangyari ang insidente.

Ginagamot pa sa ospital ang batang kasama ng lolo dahil sa natamong sugat sa ulo.

Read more...