Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtaman ngunit paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Apayao.
Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon kabilang na ang Metro Manila, buong Visayas at Mindanao ay maalinsangan ang panahon liban na lamang sa mga pag-ulan na dulot ng localized thunderstorms.
Sa ngayon ay wala ng nakataas na gale warning sa buong bansa.
Samantala, isang bagyo naman ang namataan sa layong 3,485 kilometro Silangan ng Central Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 120 kilometro kada oras.
Mababa ang tyansa ng pumasok ang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility ngunit patuloy itong babantayan ng PAGASA.