Ikinatuwa ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pahayag ni House Committee on Justice Chair Salvador Leachon na magiging patas ang komite sa pagdinig sa reklamong impeachment laban sa pitong mahistrado ng Supreme Court.
Ayon kay Lagman, panghahawakan nila ang pangakong patas na impeachment ng house panel sa pagresolba sa reklamo.
Sinabi ni Lagman na umaasa naman siya na hindi gagawing madali ang pagbasura sa impeachment complaint dahil sa direktiba ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na madaliin ang proseso ng reklamo.
Hindi rin anya dapat itrato na sagabal sa legislative agenda ang kanilang inihaing impeachment complaint dahil.
Paliwanag nito, mahalaga ang proseso ng impeachment upang papanagutin ang mga mahistrado ng korte na nagmalabis sa kanilang puwesto.
Sang-ayon naman si Lagman sa plano nj Leachon na i-consolidate ang reklamo sa pitong mahistrado.
Samantala, nairefer na ng plenaryo ng Kamara sa House Justice Committee ang impeachment complaint laban sa pitong SC justices.