Inflation rate mananatiling mataas ngayong taon — BSP

Inaasahang aabot sa peak o pinakamataas na lebel ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ikatlong quarter ng 2018 o mula noong Hulyo hanggang Sityembre.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr., asahan na mananatiling mataas ng inflation ngayong taon.

Binanggit ni Espenilla ang mas mataas na excise taxes sa mga tobacco products at pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Unang sinabi ng BSP na inaasahan nilang aabot sa 4.9% ang inflation ngayong 2018, mas mabilis sa una nilang target na 4.5%.

Pero inaasahan umano ng BSP na bababa ang inflation target sa 2% hanggang 4% sa susunod na taon.

Read more...