VP Robredo pinangunahan ang launching ng biography ni Jesse Robredo

Pinangunahan ni Vice President Leni Robredo ang launching ng biography ng kanyang asawa na ‘Jesse Robredo: His Story’.

Isinagawa ang nasabing launching sa City Grand Hotel sa Makati City.

Ang nasabing biography ay pag-alala sa kanyang naging legacy sa public service at good governance.

Ayon kay Robredo, hindi nagpakain sa pulitika ang kanyang asawa noong ito pa ang mayor ng Naga.

Ang Jesse M. Robredo Foundation sa pakikipagtulungan sa Synergeia Foundation ang nanguna sa pagbuo ng libro.

Ang JMRF ay isang organisasyon na binuo ng mga kaibigan at kaanak ni Jesse.

Habang ang Synergeia ay isang koalisiyon ng mga lokal na pamahalaan, sociocivic groups at iba pang mga sektor na may mga programang layong mapaganda ang edukasyon sa mga mag-aaral.

Unang napasinayaan ang nasabing libro sa Naga City kasabay ng paggunita ng ika-anim na taong anibersaryo noong August 18.

Read more...