
Sasailalim sa rehabilitation ang singer na si Melanie Brown o mas kilala sa tawag na Mel B matapos siyang ma-diagnose na may post-traumatic stress disorder o PTSD.
Sinabi ni Mel B. na matapos niyang isulat ang kanyang autobiography na pinamagatang “Brutally Honest” ay nanumbalik ang kanyang naranasang trauma, kabilang ang pagkakaroon ng “emotionally abusive relationship.”
Dagdag pa nito, kamakailan lamang ay na-diognose siya na mayroong PTSD.
Ibinahagi pa ni Mel B. na dahil sa mga pangyayari ay dumalas ang kanyang pag-inom ng alak upang subukang pahupain ang sakit na kanyang nararamdaman.
Kaya naman napagdesisyunan niyang sumailalim sa isang therapy program sa United Kingdom sa mga susunod na linggo.
Inamin ng singer na pangunahin niyang dahilan sa pagkuha ng medikal na atensyon ay ang kanyang tatlong mga anak.