Loan agreement para sa PNR South project lalagdaan sa pagbisita ni Xi Jinping sa Nobyembre

Target ng Department of Transportation (DOTr) na maisapinal ang loan financing agreement para sa Philippine National Railways (PNR) South Long-haul project sa Nobyembre.

Ayon kay DOTR Sec. Arthur Tugade, ito ay sa kasagsagan ng pagpunta ni Chinese President Xi Jinping sa bansa.

Ang halaga ng PNR South Long-haul project ay tinatayang aabot sa P151 billion pesos ayon sa “Build, Build, Build” website.

Matatandaang nauna nang inihayag ng Malacañang na bibisita si Xi sa Pilipinas sa Nobyembre pagkatapos ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting sa Papua New Guinea.

Sakaling umarangkada na ang proyekto, makokonekta na ang Maynila, Legazpi, Albay at Matnog, Sorsogon na inaasahang mas magpapabilis sa transporasyon.

Read more...