ISIS nag-reogranize at nagbago ng istratehiya

AP

Kasunod ng mga pagkatalo sa mga operasyon ng Islamic State o ISIS ay nagdesisyon ang jihadist group na mag-reorganize at magpalit ng istratehiya.

Ayon sa isang Iraqi security official na humiling na hindi na pangalanan, nagpalit ng administrative structure ang ISIS at nagdesisyong ilipat ang atensyon mula sa mga pangunahing lungsod ng Iraq.

Ayon pa sa opisyal, matapos ang maraming pagkasawi sa hanay ng ISIS ay kinakailangan ng grupo na magkaroon ng mga bagong recruit.

Sa ngayon ay mayroon na lamang umanong anim na wilaya o mga probinsya sa pagitan ng Syria at Iraq na hawak ng ISIS mula sa dating 35.

Ang mga probinsya ng Mosul, Raqa, at Kirkuk ay nabawi na ng pwersa ng pamahalaan.

Ayon pa sa isang opisyal, ang pagpapalit ng administrative structure ng ISIS ay patunay lamang na nawawalan na ng kumpyansa ang central command ng grupo sa kanilang mga wilaya commanders.

Read more...