Impeachment complaint laban sa mga justices ng SC ibabasura ayon sa Malacañang

Inquirer file photo

Kumpiyansa ang Malacañang na maibasusura lamang ang nakabinbing impeachment complaint sa Kamara laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, kulang sa merito ang reklamo na inihain nina Representatives Edcel Lagman, Teddy Baguilat, Tom Villarin, at Gary Alejano laban kina Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro, Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Noel Tijam, Andres Reyes Jr, at Alexander Gesmundo.

Iginiit pa ni Roque na dahil sa jurisprudence at sa Saligang Batas ay malinaw na hindi maaring maging basehan sa impeachment offense ang pagdedesisyon sa isang kaso na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Korte Suprema.

Ipinaliwanag ng opisyal na nakasaad din sa Saligang Batas na nasa hurisdikyon ng Supreme Court ang petition for quo warranto.

Ipinagharap ng impeachment complaint ang pitopng mahistrado dahil sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

“Well, ‘yan po ay dedesisyunan ng ating mga Kongresista pero naniniwala po ako na dahil marami na po tayong karanasan pagdating sa impeachment na malinaw po na iyong basehan na ginamit ng mga nagrereklamo laban sa pitong mga mahistrado ay madi-dismiss po dahil sa utter lack of merit”, dagdag pa ng kalihim.

Read more...