Naghain na ng crimes against humanity sa international criminal court o ICC ang mga pamilya ng biktima ng drug related killing at grupong Rise Up For Life laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala si Atty. Neri Colmenares, National Chair ng National Union of Peoples Lawyer, ang pangulo ang pinaka responsable sa mga nangyayaring extra judicial killings na bumiktima umano sa libu-libong Pilipino na isinasangkot sa bawal na gamot.
Ayon pa kay ColmEnares, base sa isinampa nilang kaso sa ICC, iginiit nila 4,410 hanggang 23,000 na ang namatay sa ilalim ng pamahalaang Duterte gamit ang pag-atake sa mga sibilyan sa pamamagitan ng Oplan Double Barrel ng PNP.
Nilinaw pa ni Colmenares na sa ICC sila nagsampa ng kaso dahil may umiiral na immunity ang pangulo sa anomang kaso.
Malakas din umano ang kontrol ng pangulo sa bansa para hindi mabigyang ng hustiya ang mga biktima ng extra judicial killing.
Umaasa naman sila na bago matapos ang Disyembre makapagbaba na ng desisyon ang prosecution ng ICC sa kasong sinampa nila laban sa Pangulong Duterte.