Justice De Castro pangungunahan na ang oral argument sa usapin sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC

Inquirer Photo | Marianne Bermudez

Si Bagong Supreme Court Chief Justice Teresita De Castro na ang magpe-preside sa nakatakdang oral argument sa kaso kaugnay sa pagkalas ng Pilipinas sa International Criminal Court.

Ito ay makaraang pormal na makapanumpa sa pwesto si De Castro Martes ng umaga.

Pinangunahan na rin ni De Castro ang en banc ngayong umaga. 

Hindi naman tiyak kung itutuloy pa ni De Castro ang nauna niyang target na makapanumpa mismo kay Pangulong Duterte sa August 31.

Read more...