LOOK: Cancelled flights ngayong araw, Aug. 28 dahil sa sama ng panahon

Kanselado na ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Skyjet na M8 816/817 Manila – Basco – Manila dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Batanes.

Sa weather forecast ng PAGASA, ang Northern Luzon ay apektado pa rin ng Habagat.

Pinayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng pamasahe.

Read more...