NFA malapit nang mabuwag ayon sa Malakanyang

Photo c/o: agriculture-ph.com

Tinatahak na ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang landas para buwagin ang National Food Authority (NFA).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ilalim kasi ng isinusulong na rice tarrification bill, maari nang mag-angkat ng bigas ang lahat at lalagyan na lamang ng taripa.

Sa ganitong paraan, mawawalan na aniya ng saysay ang NFA kung kaya maari na itong buwagin.

Aminado si Roque na hindi ang paglalagay ng quota at monopoliya sa pag aangkat ng bigas ang solusyon sa problema sa kakulangan ng bigas kundi ang isinusulong na rice tarrification bill.

β€œIto naman po ang direksyon na tinatahak natin, dahil iyong panukalang batas na tariffication po, kapag nagkaroon na ng tariffication, pupuwede nang mag-angkat ng mga bigas ang lahat at lalagyan na lang ng taripa ay mawawalan po talaga ng saysay na ang NFA. So patungo na po tayo sa direksyon na baka mabuwag na nga iyang NFA dahil nakikita natin na iyong mga quota-quota, iyong monopoliya pagdating sa pag-angkat, eh iyan po ay hindi nagbibigay ng solusyon sa ating mga problema pagdating sa kakulangan sa ating bigas,” ani Roque.

Matatandaang kamakailan lamang nakalusot na sa kamara sa third and final reading ang rice tarrification bill.

Read more...