Sinalubong ng mga lobo at bulaklak ang bagong talagang punong mahistrado ng Korte Suprema na si Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro sa kaniyang pagdating sa SC building ngayong umaga.
Alas 8:15 ng umaga nang dumating sa SC si De Castro.
Dinatnan ni De Castro ang mga kulay puti at pulang lobo na nakatali sa main entrance ng Supreme Court at inabutan din siya ng bulaklak ng mga empleyado ng Korte Suprema.
Hindi pa pormal na nakakapanumpa sa pwesto dahil hinihintay pa ang official transmittal ng appointment papers niya mula sa Office of the President.
Sa August 31 target ni De Castro na makapanumpa kay Pangulong Duterte matapos siyang maitalaga noong Sabado.
MOST READ
LATEST STORIES