Sa ambush interview sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, sinabi ng pangulo na mayroon kasing mamumuo na mainit na sitwasyon sa Israel at Jordan na maaaring mauwi sa giyera.
Paliwanag pa ng pangulo na ito ang dahilan kung kaya isasama niya sa nakatakda niyang pagbiyahe sa Israel at Jordan si Cimatu na una nang naging Special envoy to the Middle East sa panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon sa pangulo mayroong 48,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nasa bansang Jordan habang aabot naman sa 28,00 Filipino ang nagtatrabaho sa Israel.
Magtutungo ang pangulo sa Israel sa September 2 hanggang 5 at pagkatapos nito ay tatawid sa Jordan.