Umano’y pagsibak kay Sec. Martin Andanar, pinabulaanan ng Malakanyang

PCO Sec. Martin Andanar | Kuha ni Rose Cabrales

Mariing itinanggi ng Palasyo ng Malakanyang na sisibakin na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communication Secretary Martin Andanar.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, mananatili si Andanar bilang kalihim.

Una rito napaulat na sisibakin ng pangulo si Andanar at papalitan ng brodkaster na si Jay Sonsa.

Ayon kay Go hindi totoo ang naglabasang impormasyon dahil buo pa rin ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Andanar.

Una rito, mismong si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ang nagsabi na hindi sisibakin si Andanar at hindi niya sinusuportanhan ang pag-upo ni Sonsa sa PCOO.

Iginiit pa ni Mayor Sara na hindi sila magkakilala ni Sonsa.

Read more...