Matapos mabatikos, watawat sa White House ipinalagay na sa half-staff ni Trump kaugnay sa pagpanaw ni Sen. McCain

REUTERS PHOTO

Matapos ulanin ng batikos, US Pres. Donald Trump iniutos na ang paglalagay sa half-staff ng watawat sa White House kaugnay ng pagpanaw ni US Senator John McCain

Matapos ulanin ng batikos ang pagpuna sa tila kawalang respeto sa pagpanaw ni US Senator John McCain, naglabas ng pormal na kautusan si US President Donald Trump para ilagay sa half-staff ang watawat sa White House.

Lunes lamang nang ilabas ni Trump ang formal proclamation order.

Ayon kay Trump, sa kabila ng pagkakaiba nila ni McCain ng pananaw sa maraming isyu sa pulitika at polisiya, inirerespeto umano niya ang senador at kinikilala ang naiambag nito sa bansa.

Nakasaad sa proklamasyon na mananatilingn naka half-staff ang watawat sa White House hanggang sa mailibing ang senador.

Kasama din sa inilagay sa hal-staff ang lahat ng watawat sa mga public buildings, military installations at mga embahada.

Read more...