PUBLIC SERVICE: Scheduled power interruption ng Meralco ngayong araw, Aug. 28

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Quezon City, Las Pinas, Pateros, Taguig, Bulacan, Laguna at Rizal.

Sa abiso ng Meralco, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ang power interruption na makaaapekto sa bahagi ng mga Barangay Bugumbuhay, Marilag, at Milagrosa sa Project 4 sa Quezon City.

Alas 8:00 naman ng umaga hanggang ala 1:00 n ghapon, mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Manuyo II sa Las Pinas City.

Alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon, mawawalan din ng suplay ng kuryente ang bahagi ng Barangay San Roque sa Pateros at Barangay Palingon sa Taguig.

Habang mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang nakatakdang power interruption sa Sitio Pila sa Barangay Catmon sa Sta. Maria Bulacan.

Sa Laguna, alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay San Cristobal sa Calamba at Barangay Banlic sa Cabuyao.

At alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang Barangay Nigan sa bayan ng Pililia sa Riza.

Read more...