Northern at Central Luzon apektado pa rin ng Habagat – PAGASA

Apektado pa rin ng Habagat o Southwest Monsoon ang Northern at Central Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, apektado ng Habagat ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA ang nasabing mga lugar ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Maaring magdulot ng flashfloods at pagguho ng lupa ang mararanasang katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan dulot ng thunderstorms.

Sa ngayon sinabi ng PAGASA na walang anumang sama ng panahon sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.

Read more...