5 taong gulang na batang babae, sinuntok ng tiyuhin, patay!

Wala nang buhay nang makita ang isang limang taong gulang na batang babae sa Baseco Compound sa Maynila.

Kinilala ang bata na si Gwen Emberso na natagpuang walang buhay sa loob ng computer shop ng kanyang mga magulang.

Kwento ng ina ni Gwen, ilang oras nilang pinaghahanap ang bata matapos hindi agad umuwi.

Nang makita nila ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang computer shop ay agad nila itong inireport sa pulis.

Napag-alamang mismong ang kapatid ng kanyang kinakasama, at tiyuhin ni Gwen ang nasa likod ng krimen.

Pag-amin ni Jerome Emberso, naiinis isya sa bata dahil madalas siyang pinaaalis kapag nanonood siya ng TV.

Kagabi, sa sobrang inis at dala na rin ng pagkalasing ay sinuntok niya sa tiyan si Gwen at nawalan ito ng malay. Dinala ni Jerome ang pamangkin sa computer shop at doon iniwan.

Bagaman kamag-anak ay desidido ang mag-asawang Emberso na sampahan ng kasong murder si Jerome.

Read more...