Partido ni Mayor Sara Duterte, makikipag-alyansa sa isa pang partido sa Mindanao

Nakatakdang magsanib pwersa ngayong araw ang partidong Hugpong Ng Pagbabago (HNP) ni Davao City Mayor Sara Duterte at Aggrupation Parties for Prosperity (APP) ni Zamboanga del Norte 1st District Representative Seth Frederick Jalosjos.

Inaasahang dadalo sa launch ng alyansa ng dalawang partido ang ilang mga personalidad, kabilang sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Maguindanao 2nd District Representative Zajid Mangudadatu, Taguig City Representative Pia Cayetano, at Bureau of Corrections (BuCor) chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Dahil dito, sinabi ni Dapitan City Police chief, Police Superintendent Jonathan Yabo na magpapakalat sila ng 600 mga pulis sa buong lungsod upang matiyak ang kapayapaan sa naturang pangyayari.

Ani Yabo, bagaman wala silang nakikitang banta sa seguridad ay bumuo na sila ng task force na mamamahala sa pagdating ng mga bisita ni Mayor Duterte.

Aniya pa, bukod sa lokal na pulisya ay nakaantabay din ang Philippine Army, Philippine Coast Guard (PCG), at City Disaster Risk and Reduction Management Office (CDRRMO) para sa gaganaping launch.

Read more...