Local source code review ng COMELEC, sisimulan sa Setyembre

Bilang paghahanda para sa 2019 midterm elections, tinitingnan ng Commission on Elections (COMELEC) na simulan na sa Setyembre ang local source code review.

Ito ay bagaman marami pa rin ang hindi sangayon sa muling paggamit ng vote counting machines (VCMs) para sa 2019 elections.

Ilang mga mambabatas, maging mga poll watchdog groups ang patuloy na hinihimok ang pamahalaan na palitan ang mga VCMs ng Smartmatic at sa halip ay gumamit na lamang ng hybrid system para sa halalan.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, kung sa Seytembre magsisimula ang review ay mabibigyan sila ng pagkakataong busisiin ang mga local source code.

Paliwanag ni Jimenez, ang source code ay ang mga instructions na magsasabi kung ano ang gagawin ng automated election system.

Partikular aniyang pag-aaralan ng COMELEC ang customized code at intenational code evaluation kapag natapos na ang bidding process para sa service provider.

Magkakaroon din aniya ng isa pang hiwalay na source code review na isasagawa naman ng international certification entity na pipiliin ng poll body.

Read more...