Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang rice tariffication bill ay siyang magpapaluwag sa impostasiyon ng bigas para masigurong may sapat na suplay.
Aniya dahil sa panukala, maari ng mag-angkat ang lahat ng bigas at may nakapataw na taripa dito.
Dagdag pa dito, kapag naipatupad ay mawawalan na silbi ang NFA.
Aprubado na ang rice tariffication bill sa Kamara na ayon sa mga may-akada nito ay sasagot sa problem sa kakulangan ng suplay ng bigas at makakapagtatag sa presyo.
Ang NFA ay binuo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972 para siguruhing ang food security at magkapagbigay daan sa murang bigas sa mga mahihirap.